top of page

For the 40th anniversary of my migration to America, my way of expressing Thanksgiving is sharing the meaning and technology of Parol making.


Before I moved to America, I was a renowned pop-ed educator in the Philippines. I was connected to IBON Databank, Education Forum, and the Nationalist Alliance. After the 1986 People Power, I co-founded Institute for Popular Democracy (IPD) and Popular Education for People’s Empowerment (PEPE) and joined the faculty of Education for Life Foundation/ Paaralang Bayan.


When I moved to Los Angeles in 1984, I was involved with Solidarity with Nationalist Alliance, Alliance for Philippine Concerns, and created and produced a musical play “Ang Pag-Ibig sa Tinubuang Lupa at Ang Pakikipagsapalaran ni Juan sa America” by Salinglahi.


This is my longing (for the homeland) phase of my migration story.


In 1988, I moved to the Bay Area; first in Oakland and got connected with the Philippine Resource Center in Berkeley, and then moved to Daly City and led the Daly City Filipino Organizing Project and co-founded the Pilipino Bayanihan Resource Center.


It was in San Francisco, however, where I found my heart again. I was involved with the non-profit Filipino oriented community based agencies and programs, to name a few, Pilipino Early Intervention Program, West Bay, Galing Bata, Filipino American Development Foundation, and Bayanihan Community Center. I became a Wildflower Fellow, and received a fellowship which resulted in producing my book “SoMa Pilipinas in Two Languages” and the guide book “Ethnotour of SoMa Pilipinas.”


I contributed many columns and articles to the print media based in the Bay Area, among them were the Manila Bulletin USA, Philippine News, Manila Mail, Filipino Insider, and Pinoy Pa Rin Kami Entertainment Magazine.


I was in the San Francisco’s Citizen Planning Task Force that proposed SoMa Pilipinas as Social Heritage Special Use District. In 2016, the City and County adopted SoMa Pilipinas as the Filipino Cultural Heritage District in San Francisco. A year later, the California Arts Council selected SoMa Pilipinas as one of the 14 cultural districts in the State.


I founded and directed the Parol Lantern Festival in 2003. We are celebrating its 22nd annual edition on December 14 at Yerba Buena. The theme of this year is Passing the Torch, Forward in Light.


My migration story is about the continuing thread of longing and belonging. My pop-ed educator in me has transformed the art and craft of parol making activity into a community education and engagement in the discourse of longing and belonging.


For my 40th anniversary in America, I will share to you the deeper meaning and technology of Parol making in our lives.

Updated: Sep 20, 2024

Ang Bakas-Bukas sa Panahon ng Martial Law ay isang serye ng mga sanaysay at artikulo mula sa aking karanasan sa buhay bilang isang binatang aktibista sa panahon ng Martial Law (1972-1986).

Ginagamit ko ang Bakas-Bukas bilang isang balangkas at pamantayan sa pagsasalaysay ng buhay at karanasan. Una, ang bakas ay madalas na ginagamit na salita sa pagtukoy ng palatandaan sa nangyari o naganap na. Tulad ng "Bakas ng Lumipas" ay mga bagay-bagay na nagpapahiwatig sa mga nakaraang pangyayari.


Magpagayun pa man, ang pagbabasa ng mga bakas ng lumipas ay kadalasan nakabase o may kaugnayan sa takdang kalagayan at konteksto ng bumabasa at sa layunin ng pagbabasa kung para saan o kanino ang mga ito. Kaya't sadyang mahalaga ang pagtitimbang, pagsusuri, at pagpipili ng mga bakas sa pagsasalaysay.


Sa madaling salita, ang BAKAS ay isang panibagong pagsasalaysay sa mga naganap sa nakalipas. Ito ay ang pinagsanib ng dalawang mahalang salita, BAgo at KASaysayan o Bagong Kasaysayan.


Pangalawa, maraming kahulugan ng salitang BUKAS sa pagsasalaysay ng Bagong Kasaysayan. Ang BUKAS ay hindi nakasara, o ganap, tapos, at yari na. Kung bukas ibig sabihin pupwede pang pasukin, loobin, gambalain, panghimasukin, baguhin, at palitan. Sa Ingles, ito ay open. Kung bukas, pupwede ng mailabas ang naitatago, maibunyag ang mga nililihim, maipahayag ang mga kinikimkim, maibuklat ang mga niloloob, at maisawalat ang mga natatakpan o tinatakpan. At ang higit na mahalaga ang mailahad ang katotohanan.


Ibang pagbigkas ng BUKAS sa Filipino nangangahulugan naman ng susunod na araw o hinaharap. Sa ingles ay katumbas nito ang tomorrow, next day o future.


Ang sakop at saklaw sa Panahon ng Martial Law lampas pa sa pagtatakdang petsang pulitikal mula sa pagdeklara ni President Ferdinang Marcos at pagpataw nito nuon Setyembre 23, 1972 hanggang sa pagbagsak ng rehimeng Marcos nuong Pebrero 26, 1986. Mahalagang masilip at maisalaysay din ang mga naganap sa aking buhay bago nag ML at ang kalalabasan ng pagbagsak ng ML at pagtatayo ng bagong kabanata ng kasaysayan.


Ang panimulang salaysay sa serye ng Bakas-Bukas sa Panahon ng Martial Law ay isang sanaysay na unang nailathala sa librong "Tibak Rising : Activism in the Days of Martial Law" ni Ferdinand C. Llanes, Editor (Anvil Publishing, Inc, Manila, 2012). Pinamagtan kong "Mga Unang Sabado ng Martial Law."


+++++++++++++++++++++++++++

Mga Unang Sabado ng Martial Law (Unang bahagi)


Ilan pa kaya sa ating mga Pilipino ang nakakaalala sa mga unang araw at buwan ng pagpataw ng Martial Law? Sa ating panahon ngayon ng text messaging, cell phones, internet, cable TV at samut-sari pang information technology gadget, mahirap maimagine o ma-visualize kung papaano epektibong madideklara ang isang Martial Law sa bansa.


Sa pananaw ng isang aktibista sa probinsiya, maaari kong isalaysay ang mga unang araw at buwan sa ilalim ng Martial Law, lalo na ang nagganap sa araw ng Sabado sa aming bayan sa San Fernando, Pampanga.


Hindi kalayuan ang aming bayan sa Maynila; 66 Kilometro; at isang oras lang biyahe sa pagluwas. Kaiba sa maraming estudyanteng nagkokolehiyo sa Maynila na umuuwi lamang sa aming probinsya tuwing Sabado, ako naman ay nag-aaral sa Jose Abad Santos High School – dating Pampanga High School – sa San Fernando at lumuluwas sa Maynila tuwing Sabado.


Araw ng Sabado, Setyembre 23, 1972, nang ideklara ang Martial Law, bagamat ang nakasulat sa papel at sa mga textbook ay September 21, Huwebes. (Pinirmahan ni Marcos ang deklarasyon sa beinte uno pero ipinatupad sa beinte tres ng buwang iyon dahil sa kanyang pamahiin sa numero; lucky number ni Marcos ay ang 7, 11 at 21).


Sa lahat ng araw ng linggo naiiba sa akin ang pagdating ng Sabado. Lunes hanggang Biyernes, pasukan sa eskwela kaya’t maaga ang gising at pagsisimula ng araw. Nagigising kami sa tilaok ng manok, ingay ng tren ng PNR, bagon ng Pasudeco, at anunsyo ng mga balitang umaalingawngaw sa radyo. Hindi ganito ang pagdudumali kung Sabado.


Ngunit sa araw-araw, kahit sa Sabado, ang sinusubaybayan at pinakaaabangan na programa sa radyo ay ang “EveryReady Balita”ni Johnny De Leon, kasama ang patented na pagbigkas ni Ngongo ng “Bataan Matamis.” Ang iba pang programang popular programa sa radyo nuon ay ang “Oh Johnny, Oh Johnny,” “Lundagin mo, baby,” “Dear Kuya Cesar,” “Ito ang inyong Tiya Dely,” at sa aming mga Kapampangan ang balita at kuru-kuro ni Paeng Yabut.


Radyo ang siyang pinakamahalagang appliance sa bawat bahay. Pagkagising, hindi maiiwasang di makinig sa radyo; inaaabangan ang mga bagong anunsyo tulad ng signal number ng bagyo, o kaya biglang walang pasok sa eskwela, kahit walang bagyo. Madalas, sa radyo rin inaalam kung anong oras na; bibihira kasi nuon sa aming lugar ang may relo o alarm clock sa bahay.


Sabado, Setyembre 23, napaaga ang aking gising, hindi sa tilaok ng manok, hindi sa ingay ng bagon at tren, at lalong hindi sa alingawngaw ng balita sa radyo. Wala nga makuhang istasyon ang transistor. Ayos na naman ang radyo at baterya pero wala talaga mapulot na ingay sa AM at FM. Nakakapanibago. Nakapagtataka. Hindi normal ang umagang ito.


Ang tanging naririnig na ingay sa labas ng bahay ay ang mga bunganga ng mga kapitbahay: “Ot mewala ya y Johnny de Leon?” “Nang malalyari keti,” “Ot alang balita keng radyo?” “Ano bang nangyayari sa aking radyo?” “Mayroon ba kayong balita sa Maynila?”


Walang katapusang nagtatanungan at nag-uusisa ang magkakapitbahay. Damang-dama nila ang kakaibang araw. Parang may kababalaghang di sukat mawari. Ang umaga ay di ang sadyang dati.


Kung walang marinig sa radyo, lalong wala ring mapanood na palabas sa TV. Saan maaring makasagap ng balita? Sa palengke sa kabayanan tumakbo ang ilan para makapulot ng balita, tsismis o kahit ano mang paliwanag sa kawalan ng radyo sa himpapawid, o kung ano talaga ang nagaganap sa bayan?


Kahit papaano, ginawa kong normal ang Sabadong ito - nagbalot ng dadalhing damit paluwas sa Maynila, at isinama ko na rin sa aking bag ang pinapahalagahang libro – ang Lipunang Rebolusyong Pilipino (LRP). Sa kalaunan ay ilalahad ko kung bakit pinapahalagahan ko ang Tagalog version ng Philippine Society and Rebolusyon ni Amado Guerrero.


Tumuloy ako sa kabayanan, hindi na nakipag-usyoso o nakipaghuntahan sa mga tao, dali-daling nag-abang at sumakay ng bus ng Philippine Rabbit patungong Maynila.


Sa bus, wala akong paki sa usap-usapan ng mga nakasakay. Inilabas ko ang pulang LRP, kahit nabasa ko na ito ng ilang beses, binubuklat ko pa ang bawat pahina na para bagang ipinagmamalaki ko sa aking katabi o sa nakakapansin sa akin, na ako ay isang tunay na Tibak.


Hindi ko alam kung may nakapansin sa hawak kong pulang LRP. Wala namang nangyari hangga sa nakaabot ang sinasakyan naming bus sa istasyon ng Rabbit sa Avenida Rizal, malapit sa Odeon Theater.


Bumaba ako sa bus at naglakad sa sakayan ng JD Transit papunta sa Makati. Napadaan ako sa dati kong ruta, isang shortcut na kalye sa Recto, sa may Ongpin patungo sa simbahan ng Santa Cruz, kung saan naroon ang isang malaking publishing house, The Manila Times.


Kakaibang Sabado ang aking natanaw. Maraming sundalong may hawak na malalaking baril ang nakabantay sa kilalang publishing house. Pumasok sa isip ko kung may gera o reyd kaya?


Iba ang dating ng aking nakita. May kutob at hindi palagay sa kakaibang Sabadong ito.


May nagbulong sa akin, isang miron katulad kong naglalakad at nag-uusyoso, “Martial Law na, iho. Umuwi ka na. At itago mo ang hawak mong libro. Delikado ka.”


Martial Law? Hindi ko na nilingon kung sino ang nagsambit. Mahirap ng masabit. Binilisan ko ang aking paglakad, itinago ang libro sa aking mga damit sa bag, kaagad na sumakay sa jeep patungong Makati.


Pagdating ko sa aming bahay, duon ko na lamang napagtugmatugma ang mga bagay-bagay; Martial Law na nga. Sabado ang unang araw ng Martial Law.

Alam ba ninyo na bago naging taunang pagdiriwang ang ika-12 ng Hunyo bilang Araw ng Kasarinlan (Philippine Independence Day), sa Estados Unidos magmula nuong pagbubukas ng 20 dantaon sa hanay ng mga manggagawa at migranteng Pilipino, ang pinakahihintay at pinaghahandaang pagdiriwang bilang araw ng mga Pilipino ay ang Rizal Day – ika-30 ng Disyembre, araw ng pagpaslang kay Dr. Jose P. Rizal sa Bagumbayan?


Ito ay halaw sa libro ni Prof. Ronald Takaki (yumao kamakailan lang) “Strangers from a Different Shore: A Hsitory of Asian Americans”(1989). Ayon sa kanya:


The most important celebration of Filipino plantation laborers was Rizal Day – December 30, the day the Spanish executed the famous revolutionary leader Jose Rizal in 1896. To honor Rizal, Filipino plantation bands played mandolins and guitars at outdoor concerts. As the Filipino plantation laborers remembered Rizal, they told one another tales of his heroic deeds. “The Kastilas could not kill him, because the bullets bounced off his chest,” a worker would declare. And a compatriot would “tell it up one notch” and quickly add: “He caught them (the bullets) with his bare hands!” Filipinos repeatedly told the story about how the revolutionary leader actually did not die: “After he was buried, his wife poured his love potion on his freshly filled grave, and in the night – he rose, Apo Rizal rose from the grave.” (page 165).


Ayon naman sa isa pang manunulat, si Howard A. Dewitt, (Jose Rizal: Philippine Nationalist as Political Scientist, 1997): “For two decades Rizal Day has provided the civil rights issues, the sense of Philippine history and the organizational skills to bring California Filipinos into the mainstream of the Golden State. Had it not been for the word and deeds of Dr. Jose Rizal, California Filipinos would not have been able to make their way as effectively in the Golden State. ”


Sa madaling salita, sa hanay ng mga migranteng Pilipino sa Amerika nuong mga unang dekada, malaki ang papel na ginampan ang kabayanihan, buhay at kaisipan ni Rizal. Isa siyang ulirang Pilipino at huwaran ng mga lider-manggagawa tulad ni Philip Vera Cruz, ang dating bise ni Cezar Chavez sa United Farm Workers. Ayon kay Vera Cruz ““Dr. Jose Rizal was not only the first person to proclaim himself as Filipino, but he taught us how to deal with adversity.”

 

Sa San Francisco (California) maraming mga pamana si Rizal sa mga Pilipino tulad sa pagtataguyod ng La Liga Filipina at tradisyong mason – siya ang inspirasyon ng pagbubuo ng Gran Oriente Filipino, Legionnarios del Trabajo. at Caballero de Dimas-Alang, tatlong kapatirang mason na namili ng mga bahay at ari-arian sa panahong ito ay pinagbabawal at laganap ang diskriminasyon sa mga Pilipino at sa mga taong may-kulay. (Matatagpuan ang kanilang mga ari-arian sa South Park at sa Dimas-alang Square kung saan ang mga kalye ay pinangalanang Rizal, Mabini, Bonifacio, Lapu-Lapu at Tandang Sora.)


Unang napadpad si Rizal sa San Francisco nuong 1888. Tumira siya sa Palace Hotel, ang pinakamahal at modernong otel nuong panahon yaon. May marker ngayon sa gilid ng otel na pinaskel nuong 1996 sa pagdiriwang ng kanyang sentenaryo.


 “Dr. Jose Rizal, Philippine National Hero and Martyr, stayed at the Palace Hotel from May 4 to May 6, 1888, in the course of his only visit to the United States. Imbued with a superior intellect and an intense love for his country, Dr. Jose Rizal sought to gain freedom for the Filipino people from centuries of Spanish domination through peaceful means. His writings, foremost of which were the novels, “Noli Me Tangere” and “El Filibusterismo”, dared to expose the cancer of colonial rule and agitated for reforms. For this he was arrested, triad and executed by a firing squad on December 30, 1896. With his martyrdom the man of peace fanned the flames of the Revolution of 1896, the first successful uprising in Asia against a western colonial power.”


Kahit hindi naging migrante si Rizal, sa kaisa-isang pagbisita niya sa Estados Unidos hindi maikaila ang kanyang pagtuligsa sa lipunan at sistemang Amerikano. Basahin halimbawa ang kanyang liham kay Mariano Ponce petsa 27 ng Hulyo, 1888. (cf. E. San Juan, Rizal in USA)


“I visited the largest cities of America with their big buildings, electric lights, and magnificent conceptions. Undoubtedly America is a great country, but it still has many defects. There is no real civil liberty. In some states, the Negro cannot marry a white woman, nor a Negress a white man. Because of their hatred for the Chinese, other Asiatics, like the Japanese, being confused with them, are likewise disliked by the ignorant Americans. The Customs are excessively strict. However, as they say rightly, American offers a home too for the poor who like to work. There was, moreover, much arbitrariness. For example, when we were in quarantine.


They placed us under quarantine, in spite of the clearance given by the American Consul, of not having had a single case of illness aboard, and of the telegram of the governor of Hong Kong declaring that port free from epidemic.


We were quarantined because there were on board 800 Chinese and, as elections were being held in San Francisco, the government wanted to boast that it was taking strict measures against the Chinese to win votes and the people’s sympathy. We were informed of the quarantine verbally, without specific duration. However, on the same day of our arrival, they unloaded 700 bales of silk without fumigating them; the ship’s doctor went ashore; many customs employees and an American doctor from the hospital for cholera victims came on board.


Thus we were quarantined for about thirteen days. Afterwards, passengers of the first class were allowed to land; the Japanese and Chinese in the 2nd and 3rd classes remained in quarantine for an indefinite period. It is thus in that way, they got rid of about 200 [actually 643 coolies, according to Zaide] Chinese, letting them gradually off board.”


Malinaw na magandang balik-tanawin ang buhay at panulat ni Rizal at ang karanasan ng pagtataguyod ng kapilipinuhan ng mga migranteng Pilipino sa kabila na sila ay naninirahang malayo sa tinubuang lupa at nakapalibot sa mabuti at di-mabuting sibilisasyong Amerikano.


Naalala ko ang interbyu ko sa matandang supremo ng Caballero de-Dimas-Alang, si Vincent Lawsin ng Seattle, nuong 2002. Ayon sa kanya at dinagdagan naman ni Dr. Dick Solis, isang pastor sa Salinas at historyador ng Caballero.


Dimas-Alang was an outreach of the underground Katipunan working for Philippines’freedom and independence against Spain and continued the fight against the new colonialist master- the United States of America. Patricio Belen, a Manila bodegero and head of the Dimas-alang brought the movement to America in 1906 to support the Filipino clamor for Philippine Independence. Like the pre-Katipunan reformist Los Indios Bravos, the organizers used the Masonic method (i.e. initiation and rituals) and format characterized by lodges. The bulk of the membership of the Dimas-Alang in the Philippines were peasants and workers and were very critical with collaborationist stance of the Filipino elite with American, including the politician Manuel Quezon’s deal with American politicians in attaining the country’s independence. Many Dimas-Alang Society members, admirers of Artemio Ricarte, veteran Katipunero leader with strong anti-American stance, were restless and gearing up for an uprising. In America, since the Filipino sojourners and migrant workers come from peasant and working class background in the Philippines, compounded by the racial and class discrimination and struggle in the work places, the Caballero de Dimas-Alang became the popular organization and mutual aid society in many parts of the country, which at its heyday had 69 lodges outside of California as far as Alaska, NewYork, New Orleans, Dallas, Chicago and of course, Honolulu (Solis). One lodge had ten to 100 members. The Caballero de Dimas-Alang was incorporated as a California non-profit organization on January 22, 1921, and considered as one of the oldest Filipino organization in the United States.


Nabanggit din ng Supremo sa akin na halos lahat ng aktibidades at ritwal nila nuon sa Caballero ay sa Tagalog isinasagawa. Nitong nakaraang dekada lamang daw sila nag-iingles. Malakas daw ang pananalig ng kanilang miyembro sa mga bayani ng ating lahi, laluna kina Rizal at Bonifacio. Malakas at matingkad ang kanilang kapilipinuhan at makabayang adhikain sa kapwa at sa tinubuang lupa.


Ngayon Hunyo 19, 2009, araw na kapanganakan ni Rizal, magaling gunitain at sana manumbalik ang masiglang pag-aaral sa kasaysayan ng kapilipinuhan sa hanay ng mga Pilipino sa tinubuang lupa at sa mga nasa pook sa ibayong dagat sa maraming bansa sa mundo. Kung baga magandang simula ito sa diskurso sa pandaigdigang kapilipinuhan.


-Ni MC Canlas (Hunyo,17,2009)

© MC Canlas 2022 Site By Sophia C.
Powered By Wix

bottom of page