top of page

Mga letratong di-pangkwadro sa a-kwatro ng Hulyo

Jul 12, 2009

May mga bagay-bagay na ipinagkait sa atin. Isa na rito ang pag-aaral ng ating kasaysayan sa punto de bistang Pilipino o sa partikular at naangkop sa pananaw pantayo.


Maalala ba ninyo ang klase sa history ninyo sa grade, high school at maging sa kolehiyo? Hindi ba kakarampot ang paksa sa kalagayan at kabihasnan ng mga Pilipino bago dumating ang mga Kastila. Sa buong semester o school year, tungkol sa panahon ng Kastila ang paksa, at pahapyaw na lamang ang panahon ng Amerikano at kontemporaryong kaganapan.


Pahapyaw na nga ang panahon ng Amerikano, puro mga “biyaya” pa na ibinigay daw sa atin ng mga Kano, kaya daw dapat silang pasalamatan sa naabot nating progreso – “First democratic nation in Asia”- at kung hindi daw dahil sa kanila hindi raw tayo nagkaroon ng “public school system,” “sanitation,” “democratic system of government,” “modernization” at marami pang iba.


Sa pag-aaral ng history sa eskwela, maaring maalala ninyo ang mga images nuong panahon ng Kastila – pari, Rizal, kwento sa Noli at Fili, at maging ang pag-aalsa nina Bonifacio, bandilang Pilipino, Aguinaldo at Kawit Kabite. Mayroon ba kayong naaala sa panahon ng Amerikano na lubusang natalakay o napag-aralan sa klase? Well, hindi kayo nag-iisa, kung wala. Ako rin ay wala, kahit na mahilig at history major ako.


Nitong henerasyon ng Facebook (Mabuhay ang Facebook), napupukaw ang aking damdamin at natatalas ang aking angking kaalaman sa gawaing pagbabahagi (tuto-turo) ng mga nakaligtaan pag-aralan sa ating nakaraan. Kaya’t para sa note na ito, na may kaugnayan sa una kong naisulat para Hulyo – Rains of July at Additional Notes on the Rains of July -(Pasensiya na sa Ingles ko ito naisulat, kasi gusto ko ring maipaabot sa mga Filipinong hirap pa sa F/Pilipino, lalu na ang mga Fil-am na mga kasamahan ko sa States).

Ang handog ko sa inyo mga letratong hindi-pangkwadro hinggil sa a-kwatro-ng- Hulyo. Hindi ko muna bibigyan ng mga caption o komento ang mga ito. Tandaan ito ay mga kuha ng mga Amerikano, at maasahan na punto-de-bistang pang-kano ang mga ito. Gayun pa man, layunin ko na maging simula ito ng ating diskurso sa pagpapalaganap at pagpapatalas ng pananaw-pangtayo sa kasaysayan ng ating kapilipinuhan.


Salamat po.

bottom of page