Pagtatanaw 2023 at Pagbabalik-tanaw 1973
- pakinaman5
- Jan 1, 2023
- 2 min read
Bagong taon. Bagong panahon. Bagong salaysay sa pagtatanaw ng 2023, at pagbabalik-tanaw naman sa 1973, limampung-taon na ang nakalipas.
Nitong darating na Pebrero, magdaraos ng pinakamalaking pagtitipon -Grand Reunion and Homecoming - ang hayskul batch namin, Jose Abad Santos High School (JASHS 1973). Sigurado ako, marami rin sa ka-generasyon namin, mga nagtapos ng hayskul sa pagpataw ng Martial Law sa bansa, ay maglulunsad ng pagtitipon at pagsama-sama para makapagbahagi ng kani-kanilang kwento sa buhay. Ang mga reunyon ay hitik ng pagtatanaw sa 2023 at pagbabalik-tanaw sa 1973.
Ang namumukod tangi at naiiba ang mga hayskul batch 1973 kaysa ibang hayskul batch sa Pilipinas, ang aming panahon ay natatakluban ng Marcos, si FM nuong 1973 at si BBM sa 2023.
Si Ferdinand Edralen Marcos ay unang nahalal nuong 1965, at na re-elect siya nuong 1969 bilang Pangulo ng bansang Pilipinas. Sa 1935 konstitusyon dalawang four-year term ang halal na presidente, at sa 1973 magtatapos si Marcos sa kanyang luklukan. Gayun pa man, ang manatili sa poder maging sa anumang paraan ang direksyon ng kanyang mga hakbang sa pulitika. Ninais niyang palitan ang konstitusyon sa pamagitan ng pagtatawag ng constitutional convention pero hindi nagtagumpay dahil malakas ang oposisyon sa pananatili niya sa poder. Naglabasan ang mga iskandalo at payola sa mga delegado. Kaya't ang ginawa niya ay idineklarang nasa malaking panganib ang Republika at ipinataw ang Batas Militar (Martial Law) sa buong bansa. Inaresto at pinakulong ang mga oposisyon at aktibista, sinuspendi ang senado at kongreso, at pinailalim niya ang maraming larangan sa gobyerno at sa galaw ng lipunan sa militar. Ang emergency power ang ginawang daan para maipasa ang konstitusyon na magbibigay ng probisyong pananatili niya sa poder. Sa madaling salita, siya ang diktador sa authoritarian regime. Napatalsik ang kanyang rehimen nuong 1985 sa pag-aalsa ng mga taumbayan sa Edsa nuong Pebrero.
Nitong nakaraang taon (2022), si Ferdinand Romualdez Marcos ay nahalal bilang presidente ng bansa. Nasa panahon tayo ngayon ng Marcos II.
Maraming kwento ang Batch 1973. Magaling ma-share ito para sa ating collective memory.
Abangan.
Comments